KONTENTO ang karamihan sa mga Pilipino sa naging performance ng gobyerno hinggil sa pagbibigay ng dekalidad na edukasyon at imprastraktura.
Batay sa resulta ng isinagawang survey ng OCTA Research noong Setyembre 30 hanggang Oktubre 4, 72% ang kontento sa pagbibigay ng pamahalaan ng dekalidad na primary at secondary education.
Pawang 71% ang kontento sa kalidad ng tertiary at vocational education at ang nagagalak sa pagpapatayo ng pamahalaan ng mga pampublikong imprastraktura.
69% naman ang nakuhang satisfaction rate ng gobyerno sa larangan ng pagbibigay proteksiyon sa mga overseas Filipino worker (OFW).
Samantala, iilan sa may mababang satisfaction rate ay ang pamamahala ng gobyerno sa inflation na may 14%; pagtutok sa kahirapan na may 29%; at pagsawata ng graft and corruption na may 43%.