DILG, suportado ang regularization sa mga Lupon, BHW, at iba pang barangay workers

DILG, suportado ang regularization sa mga Lupon, BHW, at iba pang barangay workers

SUPORTADO ni Interior Secretary Benhur Abalos ang mungkahing regularization sa lahat ng barangay workers sa bansa kabilang ang health workers, Lupon Tagapamayapa, at barangay tanod.

Ito’y para maipagpatuloy ng maayos ang trabaho at serbisyo ng mga ito sa kani-kanilang komunidad

Sa kanyang pagdalo sa katatapos lang na Lupong Tagapamayapa Incentive Awards (LTIA) 2023, sinabi nito na dapat maipatupad na ang “Magna Carta for Barangay, para sa dagdag benepisyo para sa mga barangay workers.

Ani Abalos, itinuturing na pinakamagagaling na manggagawa ang mga brgy. workers kung kaya’t nararapat lamang na tumbasan ito ng regular na sahod at benepisyo para sa mas de-kalidad pang serbisyo nito sa kanilang mga kabarangay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble