Mahigit 8-K LGUs sa Visayas Region, idineklarang persona non grata ang CTGs

Mahigit 8-K LGUs sa Visayas Region, idineklarang persona non grata ang CTGs

OPISYAL nang idineklarang ‘persona non grata’ ang terrorist communist groups (CTGs) na Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa Visayas Region ng 8,895 local government units (LGUs).

Kasunod ito sa ginawang Civil–Military Operations Coordinating Conference (CMOCC) sa ilalim ng Visayas Command (VISCOM) katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

Binubuo ang mga LGU ng 13 probinsiya, 39 lungsod, 364 na mga bayan at 8,479 barangay.

Ayon sa mga LGU, sawa na sila sa mga panloloko, panlilinlang, pang-aabuso at kalupitan ng mga teroristang komunista sa kani-kanilang komunidad.

Sa panig naman ng militar, ang nasabing mass declaration anila ay patunay lang ng tuluy-tuloy na pagbagsak ng pamamamayagpag ng CPP-NPA-NDF.

“These denouncements and mass declaration in the Visayas Region is a clear manifestation that our people are already fed up with the deception, treachery, and cruelty of the CPP–NPA. This will serve as a motivation for us to further boost our efforts to push the CPP–NPA on the brink of irreversible collapse,” pahayag ni Lt. Gen. Benedict M. Arevalo PA, Commander VISCOM.

Sa ilalim naman ng Support to the Barangay Development Program (SBDP) umabot na sa 296 projects ang naipatutupad sa buong rehiyon habang aabot naman sa 418 projects and programs ang kasalukuyang ipinatutupad sa nasabing LGUs.

Top leader ng CTG sa Surigao del Sur, 7 kasamahan, sumuko sa militar

Sa kabilang banda, kusang sumuko ang isang top leader ng CPP-NPA-NDF na si Grecy Yparraguirre alyas Raquel,  Secretary of Guerilla ng Front 30 (GF30), North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC), kasama ang asawa nito na si Ramil Salazar Queda alyas Ben, at ng kaniyang pinsan na si Robert Arreza Yparraguirre alyas Mark, na nagsisilbing vice commanding officer at miyembro ng platoon 1, GF30, NEMRC.

Bukod sa tatlo, nagsipagsuko rin ang pitong iba pang kasamahan nito habang inaalala ang kalagayan ng kanilang mga sarili at kinabukasan ng kanilang mga pamilya.

Paliwanag ng mga nagbabalik-loob sa pamahalaan, iniwan nila ang kanilang grupo dahil sa kawalan ng pag-asa sa kanilang mga ipinaglalaban.

Pagod at nahihirapan na rin sila sa pagtatago mula sa pinaigting na military operations ng pamahalaan.

Kasabay ng kanilang pagsuko, ipinasakamay rin nila sa militar ang 4 na high-powered firearms kagaya ng isang norinco AK 47, isang M14 riffle, isang AR18 rifle na may nakakabit na isang 40MM-M203 grenade launcher.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter