HUMIGIT-kumulang 38,400 metric tons ng bigas na pinaniniwalaang naipuslit mula sa Vietnam at nagkakahalaga ng mahigit P1-B ang ibinaba sa Port of Iloilo at inilabas ng Customs authorities ng pantalan.
Ayon sa Bureau of Customs (BOC) na ang kargamento ng bigas ay dumating sa 10 barko nitong Huwebes ng hapon.
7 barko ang nagdiskarga ng kanilang mga kargamento, habang ang 3 pang iba ay naghihintay ng kanilang turn sa pagdaong.
Sinabi ng Customs na dumating ang mga barko sa pagitan ng Agosto 4 at 13.
Samantala kinilala ang anim sa mga sasakyang pandagat bilang MV Hai Ha 58, na may 3,800 metric tons na bigas na naka-consign sa Kingfields Rice Solutions Inc., MV Hoa Binh 54 na may 4,800 metric tons na naka-consign sa Farmint Corp., MV Hai Dang 168 na may 400 metric tons na naka-consign sa Marolao Gen. Mdse., at RLO Farm, at isa pang 2,000 metric tons na naka-consign sa Pro Success Trading Corp.