Mahigit P10-B, inilaan ngayong 2024 para sa fuel at fertilizer aid ng mga magsasaka—DBM

Mahigit P10-B, inilaan ngayong 2024 para sa fuel at fertilizer aid ng mga magsasaka—DBM

NASA mahigit P10-B ang inilaan ng Department of Budget and Management (DBM) upang magbigay ng tulong pang-gasolina at pataba sa mga magsasaka ngayong taon sa ilalim ng FY 2024 General Appropriations Act (GAA).

Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, target ng pamahalaan na sa pamamagitan ng nasabing pondo, mapalalakas ang produksiyon at suplay ng pagkain sa bansa.

Dagdag pa ni Pangandaman, patuloy rin na gumagawa ng mainam na solusyon ang pamahalaan upang makapagbigay ng nararapat na tulong sa local farmers.

Sa ilalim ng Special Provision ng 2024 GAA, P9.561-B ang mapupunta sa pagkakaloob ng fertilizer discount voucher sa ilalim ng Project Support Services ng National Rice Program ng Department of Agriculture (DA).

Mula sa nabanggit na halaga, P6.161-B ang gagamitin para sa fertilizer assistance na layong punan ang DA Hybrid Seed Program habang P3.4-B naman para sa DA Inbred Seed Program.

Samantala, P510.4-M naman ang alokasyon sa fuel assistance ng mga magsasaka.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble