Mahigit sa 33,000 bilang ng bagong kaso ng COVID-19, naitala ngayong araw sa bansa

Mahigit sa 33,000 bilang ng bagong kaso ng COVID-19, naitala ngayong araw sa bansa

NAKAPAGTALA ng 33,169 na karagdagang bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) ngayong araw, Enero 10, 2022.

Pinakamataas ito na bilang ng kaso ng COVID-19 sa isang araw na pagtala simula nang manalasa ang COVID-19 pandemic sa bansa.

Sa datus ng DOH, mayroon 3,725 na gumaling at 145 na pumanaw sa loob ng 24 oras.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.3% (157,526) ang aktibong kaso, 93.0% (2,788,711) na ang gumaling, at 1.74% (52,293) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong Enero 8, 2022 habang mayroong 10 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 10 labs na ito ay humigit kumulang 6.2% sa lahat ng samples na naitest at 6.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Pinapaalalahanan naman ng DOH ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

Ayon sa ahensiya, dapat ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay.

Samantala, mapapansin ngayong buwan ng Enero ang mabilis na pagsirit ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa na pinaniniwalaang dulot ng Omicron variant ng COVID-19.

BASAHIN: Pahayag ni Fr. Austriaco na ang Omicron variant na ang umpisa ng katapusan ng pandemya, pinalagan

SMNI NEWS