Maid In Malacañang, ipinalabas na sa Toronto, Canada

Maid In Malacañang, ipinalabas na sa Toronto, Canada

HINDI nagpahuli ang mga Canadian Filipinos sa panonood ng pelikulang Maid In Malacañang nang ito’y opisyal nang pinalabas sa Toronto.

Nagkaisa at nagrenta ng isang movie theatre ang Partido Federal ng Pilipinas, isang organisasyon sa Canada sa Yorkdale Mall.

Namangha rin ang mga kababayang Pilipino dahil ang Made In Malacañang na pelikula ay isa sa mga kauna-unahang international movies na ipinalabas sa Yorkdale Mall.

 “I am so glad that the manager and the general manager and the sales manager of the York Dale they accepted our request, when they called me that “okay we reviewed your letter of submission that we need to show here in York Dale, because wala pa pong Filipino movie na na show dito this is the first time,” ayon kay Ofelia de Nora – President, Partido Federal ng Pilipinas.

Well it’s a great opportunity for the film studio to work with Cineplex, to bring something to the Filipino community that everyone can come out and enjoy so it’s great to have everyone in the building last evening was very busy with lots of fun, lots of guests, lots of family coming out looking forward to some more the same today,” ayon naman kay Derek Lachman – Cineplex General Manager.

Ayon sa mga nakapanood, mahalaga umano ang pelikula na ito upang maipakita ang isang bahagi ng kasaysayan ng bansa.

“Kasi, again, I was anti-Marcos pero noong onti onti kong nalaman sa social media about doon sa buhay nila, doon ko narealize marami pala talagang tinatago na intentionally it was hidden so hoping sa movie na ito onti onti nang marereveal yung side naman talaga ng Marcos kasi buhay pa sila to tell their stories eh,” ayon kay Clive Caburnay – PFP International OFW.

 “Ano ang importansya ng Made In Malacañang sa ngayon, sa aking personal na opinyon ito ay pagbabahagi ng kwento na kung saan hindi natin alam sapagkat iba yung nakagisnan nating pangangaral noong tayo ay nasa eskwelahan sa Pilipinas. So it’s right time na panoorin naman yung side ng pamilyang Marcos at chaka para mas makilala pa sila kung sino talaga sila sa tunay na buhay,” sabi naman ni Mark Andres – Vice President of Partido Federal ng Pilipinas.

“Hi good morning, ako si Tony Arcangel and I am from Bataan Ilocos Norte. It is the town of the former president and the president itself. Ako ay nagagalak na ilalabas na itong Maid In Malacañang movie because it’s now showing the opportunity about the truth over those years. Tahimik na tahimik ang mga Marcos noong 36 years ngayon lumalabas na, so we are really happy, hindi lang excited well, we’re just happy na lumalabas na ang katotohanan istorya na itong mga I would say hindi natin kasama sa politika, kasama yung mga malalaking negosyante, na sila ang nag rurule na nangyayari sa buong mundo. Let’s face it, ang pangyayari ng world governance malakas ang business,” para kay Tony Arcangel – Founder of Annak Ti Batac Association Canada.

Gusto kong makita at gusto kong malaman noong 3 days before nang EDSA bago sila pinaalis sa Malacañang. So yon excited kami so nang malaman ng mga kaibigan ko na manonood kami ng block screening alam mo kung ilan lahat ang nag join sa akin, 32 sila, kaya 33 kaming lahat sa aking group. Excited kami,” ang pahayag ni Josie de Silva Ignacio.

“So gusto ko lang makita yung mga nangyari sa mga Marcos before sila umalis sa Malacañang yung real story na nangyari noon,” saad ni Dave Estrella.

Hindi naman napigilan ng iba na mapaluha ng mapanood ang nasabing pelikula.

“Hello guys, yung mata ko, it was a very nice movie so parang naiinis ako hate it but past it past we need to move on looking forward for the new government so that’s it although they ruined our country ang sakit lang kasi kapwa Pilipino din lang ang sumira ng bansa natin, but this is a lesson to learn for all the Filipino people, wag na wag natin sisirain ang sarili nating bansa kasi pare pareho lang tayong mga Pilipino,” wika naman ni Ofelia de Nora – President, Partido Federal ng Pilipinas Canada.

Karamihan sa mga kababayang Pilipino sa Canada ay umaasang magkaroon ng sequel ang matagumpay na pelikulang ito, hindi lamang para sa mga nasa Pilipinas kundi para rin sa mga OFW sa iba’t ibang parte ng mundo.

Follow SMNI NEWS in Twitter