SINANG-AYUNAN ni Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ na mainstream media ang nagpapatagal sa laban ng Pilipinas sa insurhensya matapos ihayag ng dating rebelde na hindi sila pinapakinggan noon ng mga ito.
Inihayag ng isang dating finance officer ng Communist Party of the Philippines na si Tess Veluz, na-infiltrate na ng CPP-NPA-NDF ang mga mainstream media sa mga kasinungalingan nito kaya naman malaki ang pasasalamat nito kay Pastor Apollo at sa SMNI dahil nagkaroon sila ng malaking behikulo para maitama ang mga kasinungalingan ng CPP-NPA-NDF.
Anila nagkaroon sila ng boses sa pamamagitan ng Laban Kasama ang Bayan at ng SMNI dahil hindi sila noon pinapakinggan ng mga mainstream media.
Ayon naman kay Pastor Apollo, dahilan din ang mainstream media kung bakit tumagal ang laban ng gobyerno sa insurhensya sa bansa.
‘’Yang mainstream media na ‘yan, ‘yan ang nagpapatagal sa ating laban kalaban itong CPP-NPA-NDF, sila ang nagpapatagal. Pagkatapos nagkaka impluwensiya pa kasi mass media pagkatapos mga malalaking network sila. Kaya naaawa ang Ama dito sa Pilipinas, ibinigay ang SMNI na hindi natatakot. Para itong mga kasinungalingan ng mga ahas na ito na CPP-NPA-NDF na mga espiritu ni Satanas, maliwanagan ang tao. Kasi walang ibang nagpapaliwanag kundi kakampi na nila eh. Kaya naging ganito na tayo, naiwanan tayo ng development for 54 years dahil sa panloloko,’’ ayon sa butihing Pastor.
Dagdag ng butihing Pastor, walang pag-ibig sa bansang Pilipinas ang mga media na ito dahil hinahayaan lamang nilang mabayaran sila. Wala ring inilalabas na ulat ang mga ito sa mga pamamaslang ng mga NPA sa mga inosenteng indibidwal maging sa mga sundalo ng bansa.
‘’At itong mga mediang ito, bayaran na media, mediang madaling maloko rin, mediang wala namang pag-ibig sa bansa. Alam nilang nakakasira ang NPA, alam nila ang mga pamamatay ng NPA. Binabalita ba nila ‘yan? Hindi nila binalita ‘yan, binalita ba nila si, si ano, ‘yung football player? Si Keith Absalon, binalita ba nila ‘yon? Hindi binabalita ‘yan. ‘Yung 50, 000 na pinapatay nila, binabalita ba ng mainstream? Hindi, alam nilang masama ‘yon, alam nilang krimen ‘yon, alam nilang sila ang mag ri-report ng totoo. Pero hindi, tinatabunan, tinatakpan, kinakampihan pa at ginagawa pang bayani,’’ ani Pastor Apollo.
‘’Tingnan mo, sila mismo ang nagpapataas kay Joma Sison na isang mamamatay-tao. 50,000 ang pinatay na. Pagkatapos alalahanin pa daw nila ang alaala ni Joma. Ano ang alaala niya rito, ang pinatay niya. Ang inutusan niyang pumatay ng NPA. Tingnan mo, mainstream media ‘yan ha, hindi na ‘yan sila mainstream media, tayo na. Mainstream, mainstream kayo diyan. Mainstream ng ano ‘yan, ng panloloko ng tao,’’ saad nito.
Samantala, ayon naman kay Peter Mutuc alyas Ka Ramon, na dati ring NPA commander, mahalagang maiwasto at maituwid ang mga kasinungalingan sa kasaysayan o mga tinatawag na historical lies.
Ayon kay naman kay Ka Eric, dati ring kadre ng rebeldeng kilusan, ito na ang pinakamataas na uri ng panlilinlang sa mga Pilipino kaya nararapat lang na huwag ibalik ang abo ni Joma Sison sa bansa, bagay na sinang-ayunan ni Pastor Apollo.
‘’Oo, dapat lang. Korek lahat ito. Itong historical lies na ginawa nila at ‘yung abo niya, itapon na iyan doon sa Netherlands,’’ ani Pastor Apollo.
‘’Halimbawa naman nadala dito, e di simutin ninyo ‘yung abo niya hanggang gusto ninyo. Wala na kayo. Wala na ang pabor ng tao sa inyo. Ngayon namulat na natin ang bansang Pilipinas sa mahigit na isang taong pagbo-broadcast natin sa Laban Kasama Ang Bayan sa SMNI. Lalo na kung lumalaon pa’t lalaki ang SMNI sa taong ito,’’ saad nito.
Dagdag ni Pastor Apollo, mas lalawak pa ang maabot ng SMNI ngayong taon lalo na’t walang ibang hangarin ito na maipahayag ang katotohanan gaya na lamang ng mga kasinungalingan ng pinakamalaking syndicate extortion group sa bansa na walang iba kundi ang komunistang teroristang grupo na CPP-NPA-NDF.
‘’Ikakalat natin ang boses ng SMNI sa buong Pilipinas at sa buong mundo na walang takot na nagsisiwalat sa kasinungalingan ng grupong extortionistang ito. The biggest organized syndicate extortion group in the Philippines. Extortion criminal syndicate in the Philippines—the CPP-NPA-NDF,’’ dagdag nito.