IPINAGMALAKI ng Philippine Army ang mga makabagong kagamitan na gagamitin ng militar sa pagdurog ng kalaban ng estado.
Wala nang makapipigil pa sa pag-angat ng morale ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas dahil sa tuloy-tuloy na pagbuhos ng suporta ng Duterte Administration sa ilalim ng AFP modernization program nito.
“Malaki ang iaangat ng aming organisasyon pati ng aming kasundaluhan kasi, this time, we are now attaining our rightful composition as an armor organization. Dumarating na yung tamang kailangan naming kagamitan at mas lalo pang mabo-boost yung morale ng aming mga tao namin because we now have a more capable equipment sa operations and our troops will be more prepared sa different environment operational environment na pupuntahan nila kasi nakukumpleto na yung mga pangangailangn namin,” pahayag ni MGen. Efren Baluyot, Division Commander, Armor Division, Philippine Army
“Kasi nakukumpleto na yung mga pangangailangn namin, wala nang atrasan, sulong at laban. Ganito na ngayon ang morale ng sandatahang lakas ng Pilipinas…Malakas, magaling at modern,” dagdag ni MGen. Baluyot
Sa eksklusibong pagbisita ng SMNI News sa armor division ng Philippine Army, Armed Forces of the Philippines sa Capas, Tarlac, nakita ang malaking papel na ginagampanan ng militar sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaayusan sa bansa, partikular na sa laban nito kontra insurhensiya.
Sa panayam ng SMNI News kay Major General Efren Baluyot, Division Commander ng Armor Division, Philippine Army sinabi nito malaki na ang ipinagbago ng AFP ng pamahalaan dahil sa naggagandahan, naglalakihan, at malalakas na armor assets nito.
“When President Rodrigo Roa Duterte assumed, bumilis yung ating mga modernization project because of his political will, yung mga nakaprograma nating mga equipment procured by the armed forces not only in armor pambato division, we were able to receive our equipment on time. Mabilis na mabilis na dumating at malaking kagalakan din ito sa amin sa definitely enhanced our capability in conducting operations both combined or joint operations,” ani Baluyot.
Para sa heneral, kayang-kaya na ng Pilipinas na talunin at harangin ang malalaking banta ng karahasan sa loob at labas ng bansa.
Ngayon, isasagawa ang live firing nitong M113A2 APC with RCWS o Remote Controlled Weapon System.
Ang kapasidad nito ay kaparehong maximum effective range 1830 meters mula sa maximum range na 6800 kilometers. Kapareho ito sa mga ginamit noong sa Marawi.
Ayon sa AFP, may sniper type, na may thermal imager na kahit gabi pwede siyang makatama ng bala.
Ipinakita rin ng magigiting mga kasundaluhan, suot ang kanilang full tactical gear para sa isang test assault operation kung papaano nila pinaghahandaan ang atake ng mga kalaban.
Sa ngayon, isa ito sa pinaka-latest na armor assets ng Armor Division Philippine Army.
Mayroon itong maximum range na 7 kilometers o layo mula sa kalaban gamit ang high explosive ammunition 81MM sa kasalukuyan, mayroon nang 15 m125 AMC with MMS ang Armor Division na dumating noong December 29, 2021 na binili ng pamahalaan sa Israel sa ilalim ng Horizon 2 project sa nagpapatuloy na AFP modernization program.
Bukod dito, mayroon pang nakatakdang pagdating na acquisition projects gaya ng mounted mortar carrier at ilang wheeled armored personal carrier at nasa 30 light tanks na magagamit sa mas malakas na territorial defense ng bansa.
Ayon sa Philippine Army, Armor Division, asahan ito sa unang bahagi ng taong 2022.
Samantala, nito lamang Enero ngayong taon, tuluyan na ring napagkasunduan ng Pilipinas at India ang pagbili nito ng isang short-base anti-ship missile system na nagkakahalaga ng USD375 million.