Makabagong paraan ng vote buying, mahigpit na binabantayan ng COMELEC

Makabagong paraan ng vote buying, mahigpit na binabantayan ng COMELEC

MAHIGPIT na binabantayan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pamimili ng boto sa pamamagitan ng money transfers.

Saad ni COMELEC chairman George Garcia na magiging katimbang nila ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pagsugpo sa mga transaksiyon ng vote buying na idinadaan sa GCash at PayMaya.

Ang pamimili ng boto online o sa pamamagitan ng money transfer ay hindi umano lusot sa mga kaparusahan na maaring ipataw ng Komisyon.

Una nang nagbabala ang Komisyon na ang pamimili at pagbebenta ng boto ay election offense at may kaakibat na kaparusahan gaya ng kulong at diskwalipikasyon.

Sa paglaban sa naturang ilegal na aktibidad, sinabi nito na kailangan ang whole of nation approach o ang pagtutulungan ng mga ahensiya ng gobyerno.

Maliban sa AMLC at BSP, makikipagtulungan din ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) kung saan magsasagawa naman ito ng voter education para mahikayat ang publiko na huwag tangkilikin ang vote buying ngayong eleksiyon.

 

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter