DOJ, NBI at iba pa, tutulong sa pagresolba sa vote buying

DOJ, NBI at iba pa, tutulong sa pagresolba sa vote buying

NAKAHANDA ang Department of Justice (DOJ) na tumulong sa Commission on Elections (COMELEC) sa planong pag-aralan o imbestigahan ang problema sa vote buying and selling ng mga botante.

Ito’y makaraang binuo ng COMELEC ang Committee on Task Force kontra Bigay na tututok sa krimen ng vote buying and vote selling.

Bukod naman sa DOJ ay magiging bahagi rin ng naturang task force ang Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Armed Forces of the Philippines (AFP), at Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Samantala maaari naman aniyang arestuhin o sampahan ng kaso ang sinumang maaaktuhan ng vote buying at selling.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter