ITINUTULAK ni Makati City 2nd District Rep. Luis Campos Jr. ang paglikha ng P1-B pondo o ang House Resolution (HR) No. 1510 para sa kakulangan ng Nursing Education Support Fund.
Ayon kay Campos, ang nasabing pondo ay magagamit ng mga unibersidad at kolehiyo na magtayo ng sarling nursing schools at magsimulang gumawa ng mga karagdagang nurse practitioners.
Ayon sa mambabatas, sa 11 state universities and colleges o (CUCs) sa buong bansa, nasa 44 lamang ang mayroong nursing schools o nasa 37% lamang ito, halimbawa na lamang ang Metro Manila kung saan ang University of the Philippines Manila lamang ang nag-aalok ng Bachelor of Science in Nursing (BSN) program.
Panawagan nito, kung mas marami sa mga SUCs ang mag-aalok ng BSN program, maaaring mas maraming mga kapos ngunit kwalipikadong high schools graduates ang maka-access nang libre.
Bukod pa rito, kinakailangan din ng mas malaking pamumuhunan dahil inaasahang aabot sa bilang 249,843 sa taong 2030 ayon sa datos ng World Health Organization (WHO) ang kakulangan sa mga nars sa Pilipinas.