DISMAYADO ang mga napaagang senior citizen at persons with disabilities (PWDs) ng Brgy. Cembo sa Makati Science High School.
Ito ay nang malaman na hindi pala sila kasali sa early voting hours project ng Commission on Elections (COMELEC).
Paliwanag nila na huli na nang ianunsiyo ng COMELEC na tanging sa Muntinlupa at Naga lamang ipatutupad ang maagang pagboto ng PWD, senior citizens, at mga buntis.