Makatotohanang balita, mapapanood lamang sa SMNI News—award-giving body

Makatotohanang balita, mapapanood lamang sa SMNI News—award-giving body

WALANG bias at makatotohanang pagbabalita lamang ang napapanood at naririnig sa SMNI News, ayon sa Trusted and Quality Standard Business International Awards.

Dahilan anila upang kanilang kinilala ang nasabing network.

Mahalaga ayon sa kanila ang balitang walang kinikilingan sa mga panahong ito.

Ayon kay Dr. Jackson Casiñares ng Trusted and Quality Standard Business International Awards na tanging sa SMNI News lamang nila napakikinggan at napapanood ang mga balitang makatotohanan at hindi bias.

“There’s no bias eh. ‘Yun ‘yung pinakaimportante kasi. We’ve seen exactly na you’re delivering the right news. ‘Yung biased news parang hindi namin nakita,” pahayag ni Dr. Jackson Casiñares, Council, Trusted and Quality Standard Business International Awards.

“SMNI gives the right thing and news para sa bansang Pilipinas at para sa mga Pilipinong katulad ko,” dagdag ni Casiñares.

Kaya ani Casiñares karapat-dapat na kilalanin ang SMNI News.

Nitong Sabado ng gabi sa Philippine Columbian Association, iginawad sa network ang “Most Trusted Quality News Channel of the Year”.

“Within our council itself nakita namin na karapat-dapat kayo and we believed that you are the one of the best na company na talagang recipient ng award na ito,” ayon pa kay Casiñares.

Tiniyak naman ng pamunuan mg SMNI News na lalo pang pagbubutihin ng network ang kanilang mandato tungo sa nation-building.

“Ikinagagalak po namin tanggapin ang unang pagkilala sa SMNI sa taong 2024, bilang MOST TRUSTED AND QUALITY NEWS CHANNEL OF THE YEAR. At asahan n’yo po na lalo pa naming pagbubutihin ang aming mandate, and that is to remain truthful, unbiased, and a fair broadcasting partner of every Filipino in our journey to nation-building. Maraming salamat po and more power SMNI,” wika ni Lurenn Santos, Anchor, SMNI News.

Follow SMNI NEWS on Twitter