HINDI makakaengganyo ng investors kung malakas ang insurhensiya at korupsiyon sa isang bansa.
Ito ang naging pananaw ni Political Analyst at Prof. Anna Malindog-Uy sa panayam ng SMNI News hinggil sa hindi pagsali ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa isyu tungkol sa NTF-ELCAC at maging sa korupsiyon sa kanyang SONA.
Ayon pa kay Malindog-Uy, nagsisimula ang lahat ng mga krimen sa iligal na droga.
Sinabi rin ni Malindog-Uy ang kanyang obserbasyon na para bang iba ang NTF-ELCAC ngayon dahil hanggang ngayon ay wala pang rollout mula sa kanila.
Samantala, nilinaw naman ng propesor na hindi niya binabatikos si PBBM.
Nais niya lang ipabatid dito kung ano pa ang isyu ng lipunan na dapat ring tutukan nito.