MAKARARANAS ng water interruption ang malaking bahagi ng Caloocan City simula sa araw ng Martes, Oktubre 25.
Sa anunsiyo ng Maynilad Water Services, magsasagawa sila ng weekly maintenance activity sa West Zone Area.
Kabilang din sa mga maaapektuhan ay ang iba pang lugar sa Metro Manila tulad ng Quezon City, Maynila maging sa Imus sa Cavite.
Inabisuhan naman ang mga costumer na mag-imbak na ng sapat na tubig.
Magpapaikot naman ang Maynilad ng water tankers habang hindi pa natatapos ang repair works para magsuplay ng tubig sa mga apektado.