Malaysia at Singapore, pinapayagan na ang quarantine-free travel

Malaysia at Singapore, pinapayagan na ang quarantine-free travel

PINAPAYAGAN na ng bansang Malaysia at Singapore, ang quarantine-free travel.

Inanunsyo ni Prime Minister Datuk Seri Ismail Sabri Yaakob na pinahihintulutan ng Malaysia at Singapore ang mga manlalakbay na hindi na mag quarantine kung fully vaccinated na ang mga ito.

Ayon kay Prime Minister Yaakob at ng kanyang Singapore counterpart na si Lee Hsien Loong na ang Vaccinated Travel Lane (VTL) o quarantine-free travel ay ilulunsad sa pagitan ng Kuala Lumpur International Airport (KLIA) at Changi Airport sa Nobyembre 29.

Papayagan ng mga VTL ang paglalakbay habang ang dalawang bansa ay muling nagbubukas ng mga border.

Ito ay upang mabawi ang ekonomiya habang tinitiyak ang kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan mula sa COVID-19.

Sa ilalim ng VTL ay kinakailangan lamang ng mga manlalakbay na kumuha ng COVID-19 tests bilang kapalit ng mandatoryong quarantine.

Matatandaang nauna nang naiulat na ang gobyerno ay nagplano na magset up ng special vaccinated travel lanes upang mapadali ang cross border travel sa pagitan ng Malaysia at Singapore.

Samantala, umaasa ang dalawang bansa na muling mabubuksan ang paglalakbay sa pagitan ng causeway at second link, bagaman patuloy na isinasaalang-alang ang kalusugan ng mamamayan sa Johor at Singapore.

SMNI NEWS