MAHIGPIT na kinondena ng gobyerno ng Malaysia ang bomb attack sa Istanbul, Turkey noong Nobyembre 13.
Nakikiramay ang Malaysian government sa pagkawala ng mga buhay at pinsala dahil sa naganap na pagsabog ng bomba.
Ayon kay Prime Minister Datuk Seri Ismail Sabri Yaakob na mahigpit na kinondena ng Malaysia ang mga teroristang pagkilos sa pagtarget sa mga inosenteng sibilyan sa naganap na pagsabog.
Naninindigan ang Malaysia sa pakikiisa sa Republika ng Turkey at ganap na sinusuportahan ang lahat ng pagsisikap na alisin ang anumang anyo ng mga banta sa pambansang seguridad at kaligtasan ng publiko.
Hangad ng Punong Ministro na patuloy na protektahan ng Allah ang Republika ng Turkey gayundin ang mga naninirahan dito.
Naiulat na 6 na tao ang nasawi sa naganap na pagsabog habang 81 naman ang sugatan.
Wala namang Malaysian na naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.