NAGBITIW ang Liberal Democratic Party (LDP) lawmaker na si Kentaro Sonoura matapos akusahan na hindi iniuulat nang maayos ang political funds ng partido.
Boluntaryong nagpakita sa mga prosecutor si Sonoura matapos umano na hindi maulat ang 40 milyong yen na nakolekta sa pamamagitan ng fundraising parties.
Isinumite ni Sonoura ang kanyang resignation letter kay Hiroyuki Hosoda, Lower House Speaker kasunod ng matinding pressure mula sa alegasyon.
Ang pag-alis ni Sonoura ay isang problema muli kay Kishida na siyang chairman ng LDP dahil patuloy na bumababa ang ratings ng gabinete nito.
Si Sonoura ay dating nagtatrabaho para kay LDP Vice President Taro Aso na naging punong ministro ng Japan sa loob ng isang taon at siya ngayong sumusuporta kay Kishida.