Mambabatas, nanawagan ng ceasefire sa Basilan

Mambabatas, nanawagan ng ceasefire sa Basilan

NANAWAGAN si Basilan Lone District Rep. Mujiv Hataman ng ceasefire sa kanyang lugar matapos ang engkwentro sa pagitan ng puwersa ng militar at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Barangay Ulitan sa munisipalidad ng Ungkaya Pukan sa Basilan kahapon.

Batay sa report, isang sundalo ang sugatan sa encounter habang walang casualty sa magkabilang panig.

Dahil sa insidente, tigil-putukan ang panawagan ni Hataman para sa kaligtasan ng mga mamamayan na maaaring madamay sa gulo.

Hangad din nito na hindi na lumala pa ang sitwasyon dahil tiyak na kawawa ang mga maaapektuhan.

Hamon naman ni Hataman sa gobyerno at MILF na ‘ipaliwanag kung bakit nagkaroon ng ganitong klaseng engkwentro lalo na’t may mekanismo tayo ng koordinasyon sa pagitan nila sa ilalim ng Ad Hoc Joint Action Group (AHJAG).

“Dapat maipaunawa nila sa ating mga kababayan, lalo na sa mga mamamayan ng BARMM, kung bakit nababasag ang dapat sana ay matatag na kapayapaan sa Mindanao,” saad ni Basilan Lone District Rep. Mujiv Hataman.

Follow SMNI NEWS in Twitter