Mandatory drug test ni PBBM at ilang problema ng bayan, sigaw ng mga dumalo sa Marcos Resign Rally sa Senado

Mandatory drug test ni PBBM at ilang problema ng bayan, sigaw ng mga dumalo sa Marcos Resign Rally sa Senado

PINAGBIBITIW sa puwesto at hinamong magpa-drug test, ilan lamang ito sa mga sigaw ng mga dumalo sa katatapos lang na Marcos Resign Rally sa Senado.

Kasabay ito sa isinagawang pagdinig kaugnay sa diumano’y pagkakasangkot ni Marcos Jr. sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

MARCOS RESIGN! MARCOS BANGAG! MARCOS ADIK, kaliwa’t kanang poster, tarpauline at placards.

Halos lahat ng ito ang nakasulat sabay hiyaw ng mga tao sa kasagsagan ng Marcos Resign Rally sa harapan ng Senado sa Pasay City.

Sa pangunguna ng Marcos Resign Movement, mariin nilang ipinanawagan ang kanilang pagiging diskontento sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil sa mga pagkukulang umano nito sa bayan.

Kasabay ito sa ikalawang pagdinig ng Senado matapos na makaladkad ang pangalan ni Pangulong Marcos Jr. sa paggamit diumano ng ipinagbabawal na gamot noong taong 2012.

“Gusto lang naman natin na the truth should come out. Of course, Marcos Resign Movement, we hoping and asking the president because nga po doon sa alleged drug use. Hindi naman talaga papayag ang taumbayan na masabi ang isang Pangulo natin ay isang drug user. So, nababahala ang taumbayan sa ganoong sitwasyon na nakita natin ‘yung interview niya kahapon, pinagtawanan lang tayo,” saad ni Ms. Vivian Velez, Co-convenor, Marcos Resign Movement.

Si Roger, dumayo pa mula Baguio City para suportahan ang rally.

Dito, inilabas niya ang kaniyang pagkadismaya sa gobyerno sa pamumuno ni BBM.

Mayroon pa bang pakikinggan ang ating mga kabataan..dahil ibinoto natin ang ating presidente, hindi natin alam na gumagamit pala siya ng ipinagbabawal na gamot. Bangag siya. Ang ating mga kabataan, the future of our country, ay malalagay sa alanganin at saka wala nang papanigang mabuti dahil alam nila na ang lider nila ay bangag,” ayon kay Mang Roger, Supporter, Marcos Resign Movement.

Habang si Eduardo, isang hamon ang kaniyang binitawan para sa Pangulo para pangunahan ang magpa-drug test para patunayang wala siyang kinalaman sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

“Ipinapaabot namin sa ating presidente na hinahamon namin siya na magpa-drug test upang malaman natin ang katotohanan at sinusuportahan din namin ang ating mahal na Senator Bato na maipalabas ang katotohanan dahil tayo ay hangad natin na itong ating bansang Pilipinas ay magkaroon ng isang pamamahala na may pagmamahal sa bayan at kapwang Pilipino,” wika ni Mang Eduardo, Supporter, Marcos Resign Movement.

Samantala, ang mga aleng ito, dumayo rin sa rally dahil sa papaupos na nilang pag-asa sa mga ipinangako noon ng administrasyon lalo para sa kanilang mahihirap na mga ilaw ng tahanan.

Anila, sobra na ang kanilang paghihigpit ng sinturon dahil sa mahal na presyo ng mga bilihin ngayon.

“Gusto ko lang ipaalala sa mahal na pangulo na ibinoto namin siya sa kadahilanang, unang una ang pangako niya sa mga mahihirap na ang bigas ay ibababa niya sa 20 pesos. Kung nasaan na, wala, lalong tumataas ang presyo ng bigas. Kaya halos hindi na po makabili ang tao. Pati kaming pamilya ko ay naghihirap na po,” ayon sa isang supporter.

“Nananawagan po tayo sa ating gobyerno kasi ang nangyayari po ngayon ay hindi na po ito nakakatulong sa ating bansa, hindi na rin nakakatulong mga indibidwal na mga,” ayon sa isa pang supporter.

Para sa mga dumalo sa rally, wala silang pinagsisisihan sa kabila ng matinding sikat ng araw.

Ang mahalaga anila ay naipakita at naipahayag nila ang kanilang hinaing sa gobyerno na nangangailangan ng agarang solusyon sa mga kagaya nilang hikahos at payak sa pamumuhay.

Kasabay nito ay umaasa sila na makukuha nila ang hustisya para sa kanilang mahihirap na hindi lang mga mayayaman, mga politiko at nasa gobyerno ang nakikinabang sa kapangyarihan at kaban ng bayan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble