Mandaue River sa Cebu, positibo sa poliovirus

Mandaue River sa Cebu, positibo sa poliovirus

NAGBABALA ang awtoridad sa mga residente matapos na mapag-alamang positibo sa poliovirus ang Mandaue River sa Cebu.

Isinailalim ng Mandaue City Health Office sa test ang tubig ng ilog bago magtapos ang 2022 matapos na makitaan ng fecal strain mula sa pasyente na posibleng sanhi ng poliovirus.

Sinabi ni Mandaue City acting Vice Mayor Nerissa Soon-Ruiz na isa ring doktor, posibleng nanggaling ang dumi ng tao sa mga bahay at napunta ito sa ilog.

Ani Soon-Ruiz, sa ngayon ay wala pang kaso ng polio sa lugar ngunit inabisuhan ang mga residenteng huwag inumin ang tubig mula sa ilog dahil naririto ang polio virus.

Matatandaan na noong Abril lamang nang simulan ng Department of Health (DOH) ang nationwide supplemental immunization campagin upang bakunahan ang mga bata laban sa measles, rubella, at polio.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter