MAS bumaba pa ang ranking ng Manila sa pinakalatest na Smart City Index ng International Institute for Management Development (IMD).
Mula sa ika-121 na puwesto noong 2024, nasa ika-125 na puwesto na ito ngayong taon.
Ang nangunguna naman sa listahan ay ang Zurich, Switzerland; sinundan ng Oslo, Norway; pangatlo ang Geneva, Switzerland; habang ang pang-apat at ang pang-lima ay ang Dubai at Abu Dhabi sa United Arab Emirates.
Ang nasa pinakababa naman sa rankings o ang nasa No. 146 ay ang Rio de Janeiro, Brazil; No. 145 ang Sana’a, Yemen; No. 144 ang Guatemala City, Guatemala; No. 143 ang Beirut, Lebanon; No. 142 ang Tunis, Tunisia; at No. 141 ang Accra, Ghana.
Sinusukat ng IMD Smart City Index ang rankings batay sa obserbasyon ng mga residente sa mga isyung may kinalaman sa mga estruktura at teknolohiyang ginagamit sa isang lungsod.
Sa kabuuan ay mayroong 146 na mga bansa na kasama sa nabanggit na rankings.