Manila Vice Mayor Honey Lacuna, naghain na ng kandidatura para sa pagka-alkalde

Manila Vice Mayor Honey Lacuna, naghain na ng kandidatura para sa pagka-alkalde

NAGHAIN na ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-alkalde si Manila City Vice Mayor Honey Lacuna para sa paparating na eleksyon 2022.

Nagpasa si Lacuna ng kanyang Certificate of Candidacy para sa pagka-alkalde kasama ang kanyang running mate na si Manila third district Rep. Yul servo na tatakbo bilang vice mayor.

Nagsilbing City Councilor si Lacuna mula taong 2004 hanggang 2013.

Noong 2016 ay tumakbo at nahalal ito bilang vice mayor kung saan katuwang nito si Mayor Joseph Estrada bilang running mate.

Nanalo ito sa kanyang muling pagtakbo noong 2019 nang tumakbo ito kasama si Mayor Isko Moreno na nagpasa na ng kandidatura sa pagka presidente sa susunod na eleksyon.

Bukod sa pagiging politiko, isa ring duktor si Lacuna.

SMNI NEWS