PUNO ng pag-asa ang mga taga-suporta ni dating Senador Bongbong Marcos matapos magdeklara ito na tatakbong Pangulo ng bansa.
Matapos magdeklara ng pagtakbo sa pagkapangulo at nakapaghain ng kandidatura ngayong araw, ang mga taga-suporta ni dating senador Bongbong Marcos ay puno ng pag-asang mananalo ito sa darating na eleksyon.
Ikinatuwa ng ilang taga suporta ni Bongbong Marcos ang deklarasyon at paghain ng kandidatura sa pagkapangulo ng bansa kanina sa Sofitel, Pasay City.
Maaga palang at nagtipon tipon na ang mga taga-suporta sa labas ng PICC.
Mag 11:00 ng umaga nang maghain ito ng Certificate of Candidacy.
Matapos ang filing, dumaan ang convoy ng dating senador kung saan nasa kabilang kalsada ang kanyang mga taga-suporta.
Sa di inaasahang pagkakataon, bumaba si BBM ng kanyang sasakyan at agad na dinumog ito ng media, vloggers at mga taga suporta.
Tumagal lamang ito ng ilang minuto agad na umalis ang senador dahil na rin sa ipinatutupad na social distancing.
Sa kabuuan naging maayos at tahimik ang lugar ng Sofitel sa ika anim na araw ng filing ng Certificate of Candidacy.