Manipulasyon sa presyo ng agri products, paiimbestigahan sa DOJ

Manipulasyon sa presyo ng agri products, paiimbestigahan sa DOJ

NAIS ngayon ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera na paimbestigahan sa Department of Justice (DOJ) ang mga nagmamanipula sa presyo ng agricultural products sa bansa.

Sa gitna na rin ito ng pagtaas ngayon sa presyo ng sibuyas na minsan nang pumatak sa P700/kilo.

Panawagan ni Herrera na siyang kinatawan din ng BH Partylist sa Kongreso, na imbestigahan ng DOJ panel of prosecutors kasama ang NBI at ipakulong itong ‘economic saboteurs’ na nagpapahirap sa mga Pilipino.

Saad nito, panahon na para itaas ang enforcement ng mga batas hindi lamang sa pagsasagawa ng raid kundi ituon na ito sa paghahanap ng testigo, paper and electronic trails para may maipakulong.

’We have to go beyond raids on warehouses. We need paper trails, electronic trails, protected witnesses, and convictions,’’ ani Herrera.

Punto ng mambabatas, kailangang may makulong, kailangang may masampolan at kailangang masawata ang ganitong uri ng gawain dahil sa perwisyong dulot nito sa buhay ng mga Pilipino.

Follow SMNI NEWS in Twitter