Manual counting ng boto ‘di na kailangan ng petisyon—Atty. Torreon

Manual counting ng boto ‘di na kailangan ng petisyon—Atty. Torreon

HINDI na kailangang maghain ng pormal na petisyon upang maisagawa ang manual counting ng mga boto mula sa nagdaang midterm elections.

Ito ang binigyang-diin ni Atty. Israelito Torreon, tagapagsalita ni Pastor Apollo C. Quiboloy na tumakbong senador nitong eleksyon.

Ayon kay Torreon, nakasaad na ito sa Section 31 ng Republic Act No. 9369 o ang Election Automation Law, ngunit nakalulungkot na tila hindi ito sinusunod ng Commission on Elections (COMELEC).

Aniya, wala namang masama kung isasagawa ang manual counting lalo na’t ito ay hinihingi ng publiko.

Kaugnay nito, sinabi ni retired Major General Romeo Poquiz na pinapahina ng COMELEC ang proseso ng eleksiyon at demokrasya sa bansa sa pagtanggi nitong magsagawa ng manual counting.

Kung isasagawa ito, aniya, makatutulong ito upang maibsan ang agam-agam sa integridad ng halalan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble