IPAPATULOY ng Mobility Access Ventures Philippines Inc. (MAPVI) ang kanilang electric vehicle investment sa Pilipinas.
Ayon kay MAPVI President Antonio Zara, malaki ang potensiyal ng bansa para sa investments nito kung kaya’t hindi ito hihinto.
Kung papansinin naman ay isa-isa nang nagsialisan sa bansa halimbawa ang mga investor ng electric vehicles mula sa Estados Unidos.
Samantala, kasalukuyang may dealership ang MAPVI sa Quezon Avenue at Makati City at magbubukas pa sila ng karagdagang 12 ngayong taon.