IDF Reservist na may lahing Pinoy, kabilang sa 24 nasawing sundalo sa Gaza

IDF Reservist na may lahing Pinoy, kabilang sa 24 nasawing sundalo sa Gaza

ISANG Pinoy na Israel Defense Forces (IDF) reservist ang kabilang sa 24 nasawi matapos ang mga pagsabog malapit sa border sa pagitan ng Gaza at Israel.

Kinilala ang naturang Pinoy na si Sergeant first class Cydrick Garin, 23-anyos, isang Israeli citizen na may lahing Pinoy.

Ayon sa IDF, pasado alas-kwatro ng hapon nang pasabugin ng mga militante ang isang Israeli tank, na sinundan naman ng isa pang pagsabog malapit sa dalawang gusali.

Ang naturang insidente ay itinuturing na isa sa pinakamalagim na araw para sa IDF simula noong Oktubre 7 kung kailan sumiklab ang giyera sa pagitan ng Israel sa Hamas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble