Marawi Road Network, agad na tatapusin ngayong taon – DPWH

Marawi Road Network, agad na tatapusin ngayong taon – DPWH

TATAPUSIN ngayong taon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Marawi Transcendal Roads na may 13 road sections.

Sa ulat ni Undersecretary Emil Sadain kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, ang rehabilitasyon at rekonstruksyon ng higit sa 18 kilometro na proyekto ay magbibigay-daan upang sumiglang muli ang ekonomiya ng siyudad.

Pinaliwanag din ni Bonoan na ang konstruksyon ay magdudulot ng magandang takbo ng trapiko, madaling access ng mga tao sa goods and services, at bagong mga oportunidad sa taga Marawi City sa kabuuan.

Magkakaroon din ng dagdag-kita sa mga mamamayan lalo na sa mga magiging empleyado at sa kanilang pamilya.

Matatandaang pinondohan ang Marawi Transcentral Road Project Phase 3 Contract Package 3 ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa ilalim ng Official Development Assistance Loan Financing for Road Development Project sa Conflict Affected Areas in Mindanao.

Follow SMNI NEWS in Twitter