Pre-departure at arrival COVID-19 test para sa mga manlalakbay sa Malaysia, inalis na

Pre-departure at arrival COVID-19 test para sa mga manlalakbay sa Malaysia, inalis na

HINDI na kailangan ang pre-departure at arrival COVID-19 tests para sa mga manlalakbay na papasok sa Malaysia simula noong Agosto 1.

Una nang inanunsyo ni Health Minister Khairy Jamaluddin na hindi na kinakailangang punan ang travellers card ng mga manlalakbay na papasok sa Malaysia.

Sa isang infographic post, inihayag ng MySejahtera na hindi na rin kailangan ang mga surveillance order o quarantine para sa mga manlalakbay.

Ayon pa kay Jamaluddin, ang pagluluwag ay para gawing simple ang mga pamamaraan para sa mga pumapasok na manlalakbay sa bansa.

Samantala, ang desisyong ito ay ipinatupad bilang pananaw na ang kasalukuyang sistema ng healthcare system ay nasa mahusay at kontroladong antas.

Follow SMNI NEWS in Twitter