KUMPIYANSA ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maibababa sa 9% ang poverty rate sa 2028.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, ito ay makakamit sa gitna ng global headwinds at mga hamon ng mabilis na inflation rate.
Ani Balisacan na siya ring National Economic and Development Authority (NEDA) chief, ang 9% goal sa 2028 ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng pagpapalago sa “higher level,” pagpapahusay ng kalidad ng paglago sa pamamagitan ng paglikha ng mga de-kalidad na trabaho at pagpapabuti ng sistema sa social protection system at iba pa.
Ang 9% targeted poverty rate ay bahagi ng Philippine Development Plan 2023-2028 na inaasahang malalagdaan sa Disyembre ngayong taon.
Ang naturang plano na magpapalawig sa 8-point socioeconomic agenda ng administrasyon na naglalayong lutasin ang kahirapan at makapagbigay ng trabaho sa bansa.