Marcos Jr., dinadala umano ang Pilipinas sa giyera kapalit ng pera—former gov’t official

Marcos Jr., dinadala umano ang Pilipinas sa giyera kapalit ng pera—former gov’t official

SA isang press conference sa Japan, mabigat ang mga naging paratang ng dating undersecretary ng Presidential Communications Operations Office o PCOO sa ilalim ng Duterte administration, na si Dr. Lorraine Badoy laban kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Sabi ni Badoy – trinaydor ni Marcos ang Pilipinas.

‘’Bongbong Marcos betrayed his country for money,’’ ayon kay Dr. Lorraine Badoy

Dating Undersecreatry ng PCOO.

‘’He is really an American lapdog. He has really surrendered the sovereignty of the Philippines to the Americans,’’ saad ni Dr. Lorraine Badoy.

Hugot daw niya ito dahil sa mga nangyayari sa bansa ngayon lalo na ang lantarang pagpihit ng administrasyon sa foreign policy nito na mas panig sa Estados Unidos at pagtaas ng tensyon sa China dahil sa issue sa South China Sea.

‘’The betrayal of Bongbong Marcos of the Filipino people is because of money. It’s money. That is what we have been told. When he sat in office, he for a few weeks or a month or so, he was faithful to his campaign promise of continuing the foreign policy of former President: Friends to all, enemies to none. But he went on a trip to the US and as soon as he came back that’s when he flipflopped,’’ ayon nito.

Matatandaan na mula sa limang EDCA bases na nasa Pampanga, Nueva Ecija, Cagayan de Oro, Palawan at Cebu, ay dinagdagan ito ng Marcos admin ng apat pa – dalawa sa Cagayan, isa sa Isabela at isa rin sa Palawan.

Sa kabuuan – nasa 9 na ang American military bases sa Pilipinas.

Naging mainit ang usaping ito dahil bagamat iginiit ng Marcos administration na ito’y para sa humanitarian aid at disaster relief efforts, kapansin-pansin ang lokasyon ng EDCA bases na hindi naman lugar na laging dinadaanan ng kalamidad, bagkus ayon sa ilang analysts, ay maaring paghahanda ito sa giyera sa Taiwan.

Para kay Badoy, ang ganitong hakbang ni Marcos ay malinaw na pagtatraydor sa bayan at marahil ito’y dahil sa personal na interes ng kanilang pamilya sa Amerika.

‘’There is no other logical explanation for why would you bring your country to the brink of war except we think it is because there were agreements that were made with Bongbong Marcos and the US government for the U.S. to release the fund that they have frozen of the stolen wealth of the Marcoses,’’ ayon kay Dr. Badoy.

Pinuna na rin ni Badoy ang pag-imbita ni Marcos kay Ukrainian President Volodomyr Zelenskyy sa bansa kamakailan.

‘’Making it very clear that Bongbong Marcos and the Philippines is clearly aligned with the US. He didn’t have to do that. He didn’t have to invite Zelenskyy to our country but he did. Making it very clear. Instead of staying neutral,’’ saad nito.

Ang Ukraine, na nasa gitna pa rin ng giyera sa Russia, ay kilalang bansa na kaalyado rin ng Estados Unidos.

Samantala, patuloy ang panawagan ng publiko ng pagpapatupad ng Independent Foreign Policy – ang polisiya na hindi pumapanig sa alinmang bansa kundi sa interes lang ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter