GREATEST experience para kay Marian Rivera ang maging judge sa katatapos lang na 70th Miss Universe.
Sa Instagram post ni Marian, hindi aniya makakalimutan ang kanyang karanasan na maging judge.
Nagpasalamat din ito sa team na tumulong sa kanya at kay fashion designer Francis Libiran sa kanyang mga gown.
Samantala para naman kay Miss Universe Philippines Bea Luigi Gomez, inamin nitong kinabahan sya sa top 5 Q and A portion.
Ayon kay Bea hindi nya inaasahang political question ang mapupunta sa kanya.
Nagdadalawang isip anya syang sumagot ngunit gayunpaman naging kontento naman anya sya sa kanyang sagot.
Matatandaang si Bea ay nagtapos sa top 5 sa katatapos lamang na 70th Miss Universe at si Miss India ang nagwagi.