Marian Rivera, ikinararangal na makasama sa judging panel ng Miss Universe

MALAKING karangalan para sa aktres at host na si Marian Rivera ang mapiling judging panel sa susunod na Miss Universe.

Kinumpirma na rin ng aktres na kasama siya sa gaganaping 70th Miss Universe judge sa Israel sa Dec. 12.

Sa kabila ng magandang oportunidad para sa aktres, marami din ang pumuna o bashers sa pagkakapili sa kanya ng Miss Universe organization.

Sinagot naman ito ng aktres at inaming hindi naman talaga ingles ang lenggwahe niya kundi Filipino.

Positibo naman ito na kaya parin nitong ma-express ang kanyang sarili na naaayon sa kanyang nararamdaman sa araw ng kompetisyon.

Sinabi pa ni Marian na dapat niyang tanggapin ang alok sa kanya dahil paminsan-minsan lang mapabilang sa judging panel ng nasabing prestihiyosong beauty competition.

SMNI NEWS