Isang French-Taiwanese teenager ang nakuha ang atensyon ng mga Pinoy dahil sa kakaibang pagkakahawig nila sa sikat na Philippine celebrity at primetime queen actress na si Marian Rivera-Dantes.
Maraming nahuhumaling ngayon sa ganda ng isang TikTok user na si Lea Dumortier.
@lalalilealea F boys not my boys ✂️ ✂️
Natuklasan siya ng isang tagahanga ni Marian noong October 2019 nang i-post ni Lea ang kanyang side view na larawan sa Instagram.
Noong January taong 2020, sa kanyang pangalawang video sa TikTok, kung saan mayroong 160,000 followers si Lea, napansin ng mga netizens ang pagkakapareho nila ni Marian at ang 2 pang Pinay celebrity na sina Carla Abellana at Kristine Hermosa Sotto.
Ayon sa kanyang TikTok account, ipinanganak siya sa Los Angeles, ngunit tinawag din niya ang Tainan, Taiwan na kanyang tahanan.
Sa kasalukayan isa siyang sophomore student sa University of California, Berkeley – ang alma mater ng Hollywood actor na sina Chris Pine at maze runner na si Ki Hong Lee.
Samantala, kasama ang kanyang kapatid na si Chloe mayroon silang pinapatakbo na negosyo sa Pasadena, California na tinawag na Léa et Chloé.
Si Marian Rivera ay isa sa mga pinakasikat na aktres sa Pilipinas ngayon.
Ikinasal ito sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014 at may 2 anak, sina Maria Letizia Dantes o Zia at Jose sixto Dantes IV o Ziggy.
(BASAHIN: Kisses Delavin at Maureen Wroblewitz kabilang sa top 100 candidates para sa MUP 2021)