Maricel Soriano, ‘unbothered’ sa hindi pagiging magalang ng nakababatang celebrities

Maricel Soriano, ‘unbothered’ sa hindi pagiging magalang ng nakababatang celebrities

UNBOTHERED ang ‘Queen Veteran Actress’ na si Maricel Soriano hinggil sa kawalan ng galang ng mas nakababatang celebrities ngayon.

Sa isang interview, sinabi ni Soriano bilang payo sa kaniyang kapwa veteran celebrities na huwag na gawing malaking isyu ang ganitong mga pangyayari at masanay na.

Hindi lang maiwasan ni Soriano na maikumpara kung paano sila dati gumagalang sa mga senior celebrity.

Sa kabila nito, naibahagi na rin ni Soriano na siya na lang mismo ang bumabati sa mga nakababatang celebrity para magkaroon ng malusog na working relationship.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter