Janet Lim-Napoles, absuwelto sa 16 na kaso kaugnay sa pork barrel scam

Janet Lim-Napoles, absuwelto sa 16 na kaso kaugnay sa pork barrel scam

INABSUWELTO ng Sandiganbayan si Janet Lim-Napoles mula sa 16 nitong kaso na may kinalaman sa pork barrel scam.

Ayon sa Sandiganbayan nitong Lunes, Mayo 22, 2023, ang mga kaso kung saan naabsuwelto si Napoles ay itinuturing na ‘predicate crimes’ sa plunder ng Ramon Revilla, Jr. case.

‘Charged’ at ‘convicted’ na si Napoles dito ayon sa korte.

Ipinaliwanag ng korte na ang ibig sabihin ng ‘predicate crimes’ ay component crime lang ito sa mas malaki pang krimen.

Kaugnay nito, ang hold departure orders na kaakibat ng 16 na kaso ni Napoles ay tinanggal na rin.

Samantala, bagamat absuwelto na sa 16 na kaso, mananatili pa ring naka-detain si Napoles dahil ‘convicted’ na ito sa ibang kaso hinggil sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Follow SMNI NEWS in Twitter