Mariel Padilla, masayang ibinahagi ang paraan ng pagpapalaki sa mga anak na babae

Mariel Padilla, masayang ibinahagi ang paraan ng pagpapalaki sa mga anak na babae

MASAYANG ibinahagi ni Mariel Padilla na ang kanyang mga anak na babae ay spoiled pero hindi brats.

Ibinahagi rin ni Mariel ang photo nila ng kanyang mga anak na kumakain sa isang sunbathing chairs.

Ani Mariel, ito ay kuha noong nag-host siya sa Pasasalamat Concert para kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Biro ni Mariel, hindi basta-basta na magkaroon ng anak na babae sapagkat kailangan ding limitahan ang mga gusto ng mga ito na bilhin lalo na iyong mga nakikita nila sa TV.

Sa kabila nito, ginagawan pa rin ni Mariel ng pamamaraan para mabili ang mga costume na gusto ng kanyang mga anak.

Dagdag pa ni Mariel, gumagana talaga ang kanyang creativity para sa mga anak.

Follow SMNI NEWS in Twitter