TATLONG araw mula ngayon bago opisyal na mailuklok bilang bagong pangulo ng Pilipinas si Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ay nagkaisa ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Vancouver Chapter upang ipagdiwang ang parating na administrasyong Marcos.
Daang daang taga suporta ni PBBM at Mayor Inday Sara Duterte ang nagsama-sama para sa isang pagsasalo na ginanap sa Riverside Banquet Hall sa Richmond BC.
Punong-puno ng kasiyahan ang Victory Party ng PFP Vancouver. Kantahan at sayawan kasama ang special guest na si Binibining Maharlika na pinangunahan ang flag raising sabay ang pag-awit na ikinagalak ng lahat.
Nagpahayag ng pasasalamat kay Pangulong Duterte si Bb. Maharlika sa lahat ng nagawa ng Pangulo sa bansa.
“Maraming maraming salamat po sa ating Pangulo Rodrigo Roa Duterte. Kami po dito sa Vancouver, Canada kasama ang Canadian-Filipino community ay bumabati sa ating Pangulo sa kaniyang magandang nagawa sa ating bayan. Mula po sa kaibuturan ng aking puso ako nagpasalamat po sa mga nagawa ng ating Pangulo. Pangulong Duterte, thank you so much and please po continue doing the good thing for our country. Alam ko nanjan lang po kayo after this inauguration ni BBM pero alam ko magsusubaybay kayo sa ating mga kababayan so maraming maraming salamat Pangulong Duterte,” mensahe ni Bb. Maharlika.
Pinaabot din ni Bb. Maharlika ang kanyang taos pusong pagpapasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
“At sa kay Honorary Chairman Pastor Quiboloy, Sir Pastor thank you so much sa paggabay ninyo sa ating mga kababayan, sa kapapanalo ni BBM alam ko po isa kayo sa mga sumuporta sa kanya at kami po you know majority ng Filipino nagpapasalamat sa SMNI News dahil kayo po ay naging kabahagi ng ating pagkatagumpay ng ating lahat,” ang dagdag na mensahe ni Bb. Maharlika.
Aniya ang tambalang Marcos at Duterte ay isa ring dahilan ng pagkapanolo ng UniTeam.
“At siyempre sa ating bagong Presidente Bongbong Marcos naku grabe marami pa dapat akong sasabihin pero I think nasabi ko na lahat sa vlog ko congratulations Sir Mr. President maraming maraming salamat dahil talaga namang dahil din sa inyong pagpunyagi na ipanalo natin ang laban na ito and looking forward po in the next coming six years po talaga naman makita ng buong Filipino ang pagbangon ng Pilipinas dahil alam ko yun ang layunin ninyo and siyempre pasalamatan ko rin ang ating Vice President ah Inday Sara dahil kung wala si Inday wala si BBM ay talaga naman baka naging iba ang resulta ng ating election but dahil kayo ay nagdecision na magsamang dalawa para sa Pilipinas maraming maraming salamat VP Inday Sara and BBM, Mabuhay ang Pilipinas, Mahalin natin ang Pilipinas, Mabuhay ang lahat ng Filipinos sa buong mundo, mabuhay ang SMNI News! ” saad nito.
Samantala, naging makabuluhan ang pagtitipon ng Filipino community sa Burnaby Central Park ng maipakita nila ang pagpapahalaga at pasasalamat kay PRRD at pagbibigay-pugay naman sa susunod na presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Bongbong Marcos Jr.