NAKATAKDANG mamahagi ng ayuda ang Marikina City government, alas diyes ngayong araw, Setyembre 14.
Pangungunahan ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro ang pamamahagi ng ayuda para sa mga rice retailer na apektado ng ipinatupad na price cap ng pamahalaan.
Isasagawa ang distribusyon ng ayuda sa quadrangle ng Marikina City Hall.
Bukod sa pinansiyal na tulong, magkakaloob din ng gax incentives at tulong sa mga nagtitinda ng bigas sa loob ng palengke.
Matatandaan, araw ng Miyerkules ay sinimulan na ang pamamahagi ng P15,000 na cash assistance para sa mga magbibigas mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).