INIHAYAG ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas na maaring makulong ng hanggang 20 taon ang komedyanteng si Vice Ganda at Ion Perez kung mapapatunayang lumabag sila sa Article 102 ng Revised Penal Code 201 in relation to cybercrime.
Pinatawan kamakailan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang It’s Showtime ng 12 day suspension dahil sa umano’y indecent act na ipinakita ng mga ito sa isang segment ng show kung saan makikita ang pagsubo nila ng icing nina Vice Ganda at Ion Perez.
Sa kasalukuyan ay naghain ng mosyon ang programa na irekonsidera ng MTRCB ang una nilang desisyon.
Samantala, kamakailan lang ay naghain naman ang reklamo ang Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas sa Quezon City Prosecutors laban sa dalawang personalidad.
Ang isinampang kaso sa dalawa ay paglabag sa Article 102 ng Revised Penal Code 201 in relation to cybercrime law.
Maliban daw kasi napanood ito sa TV ay nai-upload o nai-live stream ang naturang episode sa Facebook at YouTube.
Ayon sa grupo may epekto sa mga bata ang naturang indecent act ng dalawa.
Sa paglabag sa Article 102 ng revised penal code in relation to cybercrime law pwede sila makulong sa loob ng 20 taon.
Saad pa ni Tolentino, hindi personal ang dahilan ng kanilang pagsasampa ng reklamo.
Giit pa nito na ang inakto ng dalawa ay isang malinaw na public crime kung saan kahit sino ay maaring magsampa ng reklamo.
Ang kanilang reklamo ay hindi rin aniya galing sa tsismis kung di ibinase nila sa kanilang legal study.
Pero aminado ang grupo na makaakyat lamang sa korte ang kanilang reklamo kung makikitaan ito ng probable cause.
Ayon naman kay Senior Deputy Prosecutor Richard Fadullon, ang reklamo ay dadaan sa masusing pag-aaral at titingnan ang lahat ng ebidensiya bago ang pag-aakyat ng kaso sa korte.
