SINIMULAN na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paglalagay ng booster pumps na siyang priority project ng ahensiya para solusyunan ang pagbaha sa Tondo, Sta. Cruz, at Quiapo, Maynila.
Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, submersible axial pumps, ang inilagay nila para maging mabilis yaong paghigop ng tubig-baha sa mga Estero dela Reina at Estero de Quiapo habang apat na unit naman ang inilagay sa Estero de Quiapo.
Ang submersible axial pumps ay may kompletong set ng accessories gaya ng pump house, generator sets, conveyor belt at automatic trash rakes na nagtatanggal ng mga basura at ibang mga floating debris na siyang naging sanhi ng pagbara sa mga pumps.
Saad ng DPWH ang submersible axial flow pump ay isang booster pump na nakakapagtanggal ng isang cubic meter ng tubig-baha kada segundo.