“Martyr or Murderer” umarangkada na sa red carpet movie premiere

“Martyr or Murderer” umarangkada na sa red carpet movie premiere

SINALUBONG ng kakaibang thema ang mga nakiisa sa red carpet movie premiere ng “Martyr or Murderer” ang pinagsamang sequel at prequel ng pelikulang “Maid in Malacañang”Trailer ng “Martyr or Murderer”, na inilabas ng Viva Films ng VIVA Films.

Sa pagpasok sa red carpet sa Cinema area ng SM City The Block ay ramdam mo na agad ang Morocco, ang bansang may malaking bahagi sa buhay ni Senator Imee Marcos – ang isa sa executive producer at creative producer ng pelikula.

Present naman sa mahalagang event ang mga artista na gumanap bilang bida at kontrabida sa nasabing pelikula.

Kabilang dito sina Cesar Montano, Ruffa Guttierez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Marco Gumabao, Jerome Ponce, Kyle Velino, Elizabeth la Oropesa, Beverly Salviejo at marami pang iba.

Dahil sa Blockbuster International success ng naunang “Maid in Malacañang” ay aminado naman ang ilan sa kanila na ramdam nila ang pressure sa kanilang trabaho.

“Alam naman natin na grabe yung naging hit ng Maid in Malacañang. Talagang pressure talaga … part 2 Martyr or Murderer,” saad ni Kyle Valino, gumanap bilang Greggy Araneta, “Martyr or Murderer”.

“Magandang gabi po, biruan lamang ang…. Mabuhay si Direk Darryl at buong pangkat ng Martyr or Murderer,” wika ni Sen. Imee Marcos, Executive Producer, “Martyr or Murderer”.

Sa “Martyr or Murderer” ay tampok ang ma-drama at minsan ay nakakatawang eksena sa buhay ng pamilya Marcos.

Ang iba rito ay mga istorya na hindi mababasa sa anumang aklat ng kasaysayan ng Pilipinas.

Kabilang ang umano’y ugat ng alitan sa pagitan nina dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, Sr. at dating Senator Ninoy Aquino.

Pero takaw-atensyon naman ang huli at maiksing eksena ng pelikula kung saan nagulat ang karamihan sa pagganap ni Aga Muhlach bilang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Nagpapahiwatig din ito na posibleng magkaroon ng Part 3.

Ang “Maid in Malacañang” at “Martyr or Murderer” ay parehong isinulat at sa ilalim ng direksyon ni Darryl Yap.

“Magandang gabi sa inyong lahat…. I’m very very happy for that,” ani Darryl Yap, Movie Director, “Martyr or Murderer”.

Follow SMNI NEWS in Twitter