INILABAS na ang official trailer ng inaabangang “Martyr or Murderer” ng Viva Films, araw ng Huwebes, February 9.
Ang “Martyr or Murderer” o MoM ay ang prequel movie ng “Maid in Malacañang” O MiM na maituturing na pinaka blockbuster movie para sa taong 2022 sa ilalim ng direksyon ni Darryl Yap.
Ipanapakita ng “Martyr or Murderer” ang kwento ng pamilya Marcos bago at matapos ang Edsa Revolution.
Sa kaniyang naunang Facebook post, malaki ang pasasalamat ng direktor sa dami ng kaniyang natanggap na reaksyon sa social media kahit poster pa lang ng MoM ang inilabas.
Talagang mapapa-wow ka naman sa official launching ng trailer na ginanap sa sosyal na The Podium Mall sa Mandaluyong City.
Ito ay dinaluhan ng cast ng movie na sina Cesar Montano na gumanap bilang President Ferdinand Marcos Sr., Cristine Reyes na gumanap bilang Imee Marcos, Ruffa Gutierrez bilang First Lady Imelda, Diego Loyzaga bilang Bongbong at iba pa.
“Martyr or Murderer” talagang pinaghandaan
Samantala inilahad naman ni Direk Darryl na sa official trailer pa lang ng “Martyr or Murderer” ay matinding preparasyon na ang kanilang ginawa.
“Talagang traumatized na sila … This trailer nga was not wholeheartedly approved by the senator,” ani Direktor Darryl Yap.
Bagamat hindi nabanggit sa media conference ng MoM kung napipressure ba si Direk Darryl na lagpasan ang blockbuster success ng naunang “Maid in Malacañang” ay halata naman na talagang pinaghandaan ang prequel movie na MoM.
Sa official trailer, pansin sa video shots ang cinematography at ang husay sa kanilang pag arte.
At ang eksena ni Uela Valdez na gumanap bilang Imee Marcos sa bandang huli.
