Mas maraming lugar sa bansa, makararanas ng tagtuyot ngayong buwan—PAGASA

Mas maraming lugar sa bansa, makararanas ng tagtuyot ngayong buwan—PAGASA

MAS titindi pa ang mararanasang init ng panahon sa maraming lugar sa bansa partikular sa Hilagang Luzon ngayong Pebrero.

Batay sa El Niño advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)Department of Science and Technology (DOST), patuloy na mararanasan ang strong and mature El Niño.

Ibig sabihin, nasa below normal rainfall conditions ang mararanasan sa malaking bahagi ng bansa.

Kabilang sa mga probinsiyang makararanas ng drought o tatlong sunud-sunod na buwang below-normal rainfall condition o higit sa 60% na kabawasan sa karaniwang pag-ulan ang Abra, Apayao, Aurora, Bataan, Benguet, Cagayan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, at Kalinga.

Maging ang La Union, Metro Manila, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Occidental Mindoro, Palawan, Pangasinan, Quirino, Rizal, Zambales, at Negros Occidental.

Samantala, dry spell o tatlong buwang sunud-sunod na below-normal rainfall condition o higit sa 21 to 60% na pagbawas sa karaniwang pag-ulan ang mararanasan sa mga lugar tulad ng Batangas, Laguna, Masbate, Oriental Mindoro, Antique, Biliran, Capiz, Cebu, Eastern Samar, Guimaras, Iloilo, Leyte, Negros Oriental, Samar, Lanao del Norte, Sulu, at Tawi-Tawi.

Habang dry conditions o dalawang sunud-sunod na buwang below-normal rainfall condition o higit sa 21 to 60% na pagbawas sa karaniwang pag-ulan ang mararanasan sa Bulacan, Bohol, Siquijor, Southern Leyte, Camiguin, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay.

Nitong Enero, 14 na probinsiya ang nakaranas ng drought; 10 naman ang nakaranas ng dry spell; at 17 ang nakaranas ng dry condition.

Hanggang noong Enero 30, nakapagtala na ang Department of Agriculture (DA) ng higit P100-M danyos sa tanim na palay at inaasahang magpapatuloy ang El Niño hanggang sa Mayo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble