Mas maraming pagsasanay ng US 3rd Marine Division kasama ang Philippine Marines, tinitingnan

Mas maraming pagsasanay ng US 3rd Marine Division kasama ang Philippine Marines, tinitingnan

TINITINGNAN ng US 3rd Marine Division ang pagsasagawa ng mas maraming pagsasanay kasama ang kanilang Filipino counterparts sa mga darating na taon.

Ito ay ipinarating ni US 3rd Marine Division commanding general Major General Jay Bargeron kay Philippine Navy chief-of-naval staff Commodore Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta sa courtesy call sa Philippine Navy sa Maynila.

Binigyang-diin ni Bargeron ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga kaalyadong bansa sa pamamagitan ng magkatuwang na pagsasanay.

Pinasalamatan naman ni Ezpeleta ang US counterpart para sa pakikipag-ugnayan at pagsasanay na makatutulong sa Philippine Navy na mapahusay ang pagganap sa kanilang mandato at maging mabuting kaalyado sa rehiyon.

Nasa bansa ang US Marine Corps para sa KAMANDAG Exercise kasama ang Philippine Marines na tatagal hanggang Oktubre 14.

Bahagi rin ng pagsasaya ang 100 miyembro ng Philippine Navy at Air Force.

Follow SMNI NEWS in Twitter