Mas matatag na hukbo ng sundalo sa bansa, ipinangako ng bagong Army chief

Mas matatag na hukbo ng sundalo sa bansa, ipinangako ng bagong Army chief

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R.  Marcos, Jr. ang change of command ceremony sa bagong commanding general ng Philippine Army sa katauhan ni LtGen. Roy Galido.

“Magsisilbing ika-66 na commander ng Philippine Army si LtGen. Roy Galido,” ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Nagtapos si Galido sa Philippine Military Academy (PMA) “Bigkis Lahi” Class of 1990 at bago italaga bilang Army chief, hinawakan nito ang ilang matataas na posisyon sa militar kabilang ang pagiging commander ng 6th Infantry Division (6IB) at Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Naging bahagi rin ang heneral sa matagumpay na mga operasyon at laban sa tropa ng kalaban ng pamahalaan partikular sa rehiyon ng Mindanao, bunga ng hindi matatawarang kasanayan at kakayanan ng liderato niya.

Sa kaniyang talumpati, tiniyak ni General Galido ang mas matatag na hukbo ng mga sundalo sa bansa lalo na sa pagtatanggol sa teritoryo ng Pilipinas mula sa nais manghimasok dito kasama na ang usapin sa terorismo at iba pa.

Matapos namang italaga ni Pangulong Marcos si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., naniniwala ang opisyal na nagsilbi ring Army chief noon na  maipagpatutuloy ni

LtGen. Galido ang sinimulang ni Gen. Brawner sa pagtatag ng matibay na sandigan ng Philippine Army.

Sinaksihan ang seremonya ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan kasama sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Department of National Defense (DND) Sec. Gilbert Teodoro, at AFP Chief of Staff Romeo Brawner, Jr.

Nauna nang naniniwala ang pamunuan ng DND na maisusulong ni Galido ang strategic path na itinakda ni Pangulong Marcos para magkaroon ng katatagan sa gitna ng pabago-bagong security landscape ng bansa.

Samantala, pagkatapos ng change of command ng commanding general ng Philippine Army ay magkakaroon ng command conference tungkol sa territorial rights ng Pilipinas matapos na kung ano ang mga magiging hakbang ng pamahalaan dito kasabay na rin ng pag-uusapan ang  operational aspects sa pagtugon sa West Philippine Sea issue.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble