Masamang panahon, sanhi ng flight cancellations—Cebu Pacific

Masamang panahon, sanhi ng flight cancellations—Cebu Pacific

ITINUTURO ng budget carrier na Cebu Pacific ang maulan na panahon bilang sanhi sa mga biglaan at random nilang flight cancellations.

Sa isang pahayag, kung mayroong lightning red alert na ipatutupad sa mga paliparan, sinususpinde nila ang lahat ng mga flight hanggang magiging lightning yellow alert na lang ito.

Ayon sa Cebu Pacific, mas ninanais nila ang kaligtasan ng mga pasahero kesa ituloy ang mga flight.

Kasunod ang paliwanag ng Cebu Pacific sa mga reklamo na kanilang natatanggap mula sa mga pasahero.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter