Mataas na approval at trust rating ni dating PRRD, sampal sa ICC – Sen. Dela Rosa

Mataas na approval at trust rating ni dating PRRD, sampal sa ICC – Sen. Dela Rosa

SAMPAL sa International Criminal Court (ICC) ang mataas na approval at trust rating ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa huling bahagi ng kanyang termino.

Ito ang naging komento ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kasunod ngayon sa muling request ng ICC na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa drug war ng Duterte admin.

Maganda ring ipamukha ang nakuha niyang boto mula sa taong-bayan para manalo siyang senador pagkatapos nitong pinangunahan ang war on drugs ng Duterte administration.

Kung matatandaan, si Sen. Bato ang nakaupong hepe ng Philippine National Police (PNP) nang sinimulan ang drug war campaign ng Duterte admin noong 2016.

At ngayon, ayon sa ICC, number 2 accused ang senador hinggil sa umano’y extrajudicial killings na nangyari sa kampanyang ito.

Samantala, sa usapang peace talks sa pagitan ng CPP-NPA-NDF, mas maganda ayon kay Sen. Dela Rosa na localized ang pagsasagawa nito.

Walang saysay aniya kung kausapin pa ang founder nito na si Joma Sison.

Sa ngayon, isinusulong naman nito na maisabatas ang NTF-ELCAC na siyang pangunahing instrumento kontra insurhensya.

Follow SMNI NEWS in Twitter